Tuesday, September 11, 2007 @1:16 AM
Alam mo kasi, hindi ka pa mamatay. In my opinion, death is a choice. Kahit na feeling mo gustung-gusto mo na mamatay, as long as hindi ka pa namamatay, ibig sabihin in your heart of hearts, gusto mo pang mabuhay. malamang, kasi buhay ka pa.
kaya huwag ka ng umangal. kasalanan mo rin naman. :p
eh kasi hindi ka nag basa kaagad, akala mo madali lang gumawa ng paper. ayan tuloy, nagkasabay sabay yung mga kailangan mong ipasa. tapos hindi ka nanaman nag a-accounting, paano mo sasagutan yung homework? aber??
tapos, ayan ka nanaman, feeling mo madali lang yung sci 10 long test, tapos hindi ka pa pala nags-sign up, eh paano ka mag e-exam???
tapos, sige, i-cram mo yung psych homework mo. akala mo nanaman madali lang. HUWAG KA NGANG MEDIOCRE! kaya kung ako sa'yo, eh sisimulan ko ng tapusin yung psych project. okay??
tapos na prod ng tabakada. tapos na pagod, at ang nakakatamad na pag akyat baba sa 3rd floor. pero!! wag mong gawing excuse yun kaya ka napagod. okay?? hindi ka lang talaga sanay mag-aral. kaya kung ako sa'yo magp-pacondition na ko sa pag-aaral. kailangan high endurance at quality grades!
huwag mo nang isiping mamatay ka dahil sa mga patong-patong na dapat mong gawin KASI HINDI KA MAMATAY! asa ka pa. kahit x10 pa yang kailangan mong gawin, hindi ka pa rin mamatay. kasi, deep inside of you, nach-challenge ka at gusto mo yung feeling pagkatapos mong ipasa lahat ng requirements mo tapos mataas pa grade mo. kaya huwag ka ng umasa. at huwag ka na ring magreklamo sa ini-impose na dress code for everyone, kasi kailangan mo naman talagang magdress code. at alam kong magrereklamo ka sa pag-close ng mga smockets, malay mo kaya tatanggalin ang smockets ay papayagan ng mag yosi everywhere? haha. pinapaasa lang kita, mag quit ka na kasi hindi ka rin naman papatayin ng pagyoyosi mo eh.
