Thursday, August 16, 2007 @4:15 AM
at dahil umuulan feel ko maging emo.
at dahil feeling ko kapag nilabas ko lahat ng naiisip ko ngayon at pusibleng nararamdaman ko ay mas magiging malinaw ang mga bagay bagay. at puwede ko ng kalimutan pagkatapos.
napanaginipan kita kagabi, alam mo ba 'yon? siyempre hindi. at kanina, naalala ko 'yung mga nangyari dati. naalala pa kita. galeng noh? kahit na matagal na rin nang huli tayong nag-usap ng parang magkaibigan. yung totoong magkaibigan na may sariling mundo.
kanina nanunuod ako ng sine, tapos naalala kita dahil parehas kayo ng pananaw niyong isang tauhan sa pelikula. tapos may naalala ko tungkol sa kolektibong karanasan nating dalawa. pero noong mga panahon na 'yon kailangan hindi ko maalala. kasi, malulungkot lang ako.
malungkot, kasi hindi na tayo katulad ng dati. malungkot kasi kulang 'yung panahon na nagkasama tayo. malungkot kasi hindi na kita nakakausap ngayon. malungkot kasi nakikita lang kita pero hindi kita makausap. malungkot, kasi parang wala lang ako sa'yo tapos ikaw... malungkot kasi parang hindi na tayo babalik sa dati. malungkot kasi hinahanap kita ngayon. malungkot kasi gusto kita kasama ngayon pero wala ka. malungkot kasi... kasi gusto kita. malungkot kasi hindi puwede. malungkot kasi hindi ako katulad mo.
shet. okay. malungkot ako dahil sa'yo. at feeling ko never ko aaminin sa kahit kanino kung sino ka. kasi pagkatapos pupulutin ko isa isa ang mga piraso nalaglag at bubuuin ulit ang aking loob. at pagkatapos niyon, wala ka na ulit sa buhay ko. katulad ko sa buhay mo, wala na.