Thursday, July 26, 2007 @4:41 AM
6/12/06
8 months, and 20 days ago, sinabi ko kay niki, "2mrw, i wil die" pero andami ng inumang lumipas, naka-ilang pack na ng sigarilyo ang naubos ko, nagka-chicken pox na ko, at dumaan ako sa isang depression at matinding stress, eh buhay pa rin ako. tama si niki, sabi niya: "You won't."
sa totoo lang hindi ko na maalala kung bakit ko sinabi kay niki yun. ang natatandaan ko lang sa araw na yun, uminom kami ni niki sa bahay niya habang nanunuod ng "smokers" at hindi ko na maalala kung paano ko nakauwi. :))
ayun, hanggang ngayon nasa phone ko pa rin ang message na yon kasi ang mga heart-to-heart namin ni niki hindi ko binubura. tapos sobrang natuwa kami kanina parehas doon sa nabasa niya na sinabi ko sakaniya dati...
"I know:) kaya have faith. The desires of your heart will be granted when you're ready.:)"
at well, natupad ang hinihiniling ng heart of hearts ni niki noong mga panahon ngayon.
at sa tingin ko, hindi pa nga ko handa. hell, hindi nga ako sigurado eh. paano pa ko magiging handa?
"when in doubt, DON'T!!!"
yan palagi kong sinasabi. pero bakit ngayon, parang ang hirap humindi? parang ansaysaya. pero alam ko hindi ito magiging masaya in the long run. pessimist na kung pessimist, pero kasi naman! ang hirap talaga. parang ako, go lang ng go... hindi na nagi-isip. tapos hesitant naman yung kasama mo, unsure pa. kaya tuloy ako, hindi ko alam kung saan ako lulugar. shet naman. ayoko sa huli magmumukhang naggaguhan lang tayo. ayoko talaga, okay. kung ibang tao, okay lang na magmukhang naggaguhan lang kami, pero sa'yo, iba. hindi puwede yung ganun. hindi ka naman wala lang eh. never was. hindi mo ba naiintindihan? sobrang frustrating ka kahit kailan! alam mo ba yun? hindi ko alam kung anong gusto mo.
huwag kang magd-drama sakin na feeling mo wala ka lang, dahil sa mga nangyari. mas nararamdaman ko na ako lang yung wala lang sa'yo sa mga pinag-gagagawa mo eh.
okay, mas gumulo lalo ngayon. shet man. hindi ko na talaga alam. ayoko, pero weird, tapos, ewan. tangina anlabo talaga.
parang mas mangyayari pa yung, "tomorrow, i will die" kesa satin eh.