Wednesday, July 18, 2007 @5:02 AM
kanina nasa FOH kami ni Pia, tapos may freshman na lumapit, hinahanap niya 'yong kanyang kaibigan na trainee, kaso hindi ko kilala yung trainee, so tinanong namin kung bakit, may ibibigay lang raw siya. tapos binigay niya na lang samin. nang tanungin namin kung ano iyon, letter of appreciation raw. na sa tingin ko ay prinint pa niya sa RSF.
so, binasa namin ni Pia...
omaygad! ang super sweet:) sobrang nakakataba ng puso. kasi first time ko maka-encounter ng comment sa play na galing sa isang estudyante na isinulat pa talaga. sobrang nakakatuwa 'yong mga sinulat niya, at ang galing niya magsulat sa Filipino.
nakakatuwa talaga.
nakakatuwang maisip na may mga taong nakaka-appreciate ng mga pinaghihirapan na produksyon lalo na para sa mga taga teatro. at mas nakakatuwang isipin na ang mga taong hindi naman talaga mahilig manuod ng mga ganoong klase ng "art" ay naa-appreciate ang aming craft. :)
[okay, frustrated na ko!!! hindi ko maisip ang tamang salita sa Filipino!!!! gawd!!!]
pagpaumanihin ang aking walang saysay na pagsusulat. sa aming mga giliw na manunuod, tinatanggap po ng Tanghalang Ateneo ang inyong mga komento at suhesyon upang aming mapabuti at mapaganda ang aming mga dula at pagtatanghal:)
doon sa nagbigay ng sulat, maraming maraming salamat sa iyo:)