<body> <body>

Wednesday, March 28, 2007 @4:20 AM

ay mali. dapat gising na!


hindi naman masyado gumagana ang kape sa akin. kasi kahit umiinom ako ng kape, nakakatulog pa rin talaga ako. pero, kanina ng pag inom ko nagising talaga ko.


ngayon alam ko na kung bakit nakakagising ang kapeng mainit. shet! pagnapaso ka, magigising ka talaga! siiiyeeeet!


dapat gumagawa ako ng fil paper, at nagbabasa ng limang hardbound books na inuwi ko mula sa aklatan. pero andaming panggulo sa buhay ko. andiyan ang telebisyon at ang internet. pero kailangan ko ng internet dahil nagsasaliksik ako ng chick lit dahil walang chick lit sa aklatan.


tapos naisipan ko magtimpla ng kape kasi kanina noong bumili ako ng 3-in-1 sa vendo, ang asim niyong kape! bad trip. kaya ngayon, 3-in-1 ulit pero ako na nagtimpla at hindi na galing sa vendo:D tapos edi natimpla ko na, tapos paginom ko, homay! muntik ko na bitawan yung mug! pero buti na lang hindi kasi mukhang mas lalo magigising ako kapag ganoon.


tapos, walang saysay 'tong mga kuwento na ito. gusto ko lang sabihin na kaya nakakagising ang kape kasi nakakapaso siya:D haha. (pero sa akin lang yun. baka sa iba umeepekto ang kape).


shet. nasa tv ngayon ang "princess hours" tapos may special duckling. wtf??? hay naku, hindi na uso yang mga love story na yan. hindi rin totoo ang fairy tales. bakit? totoo ba ang fairies? hindi. totoo ba ang tales? tails oo, pero tales hindi. hindi lahat ng kuwento totoo. kaya hindi totoo ang fairy tales at love stories. gawa-gawa lang yan para bumili ka ng mga produktong may relasyon sa mga iyon.


hay. ansarap ng kape. sana lang magising ako. ang labu-labo na ng fil paper ko. wala itong pinatutunguhan. hindi ko nga alam kung angkop pa ang topic ko sa mga binabasa ko eh.


gusto ko ng sunflower. iyon talaga gusto ko ngayon. at hindi magbukas! para hindi kailangan magpasa ng fil paper. pero, asa pang mangyayari iyon. pag nangyari iyon, maniniwala na ko sa fairy tales at love stories. pero kapag hindi, eh di hindi.


kailangan magising. kailangan magising ang katawan, utak at diwa. kailangan makagawa ng D-able na fil paper.


shet. nalala ko ulit ang tingin sa mukha ni Jelson. akala ko dati medyo pikon siya sa akin, until Thursday happened. tapos narealize ko kahapon kung ano talaga ibig sabihin niyon. Kasi nung sumagot ako, parang tuwang-tuwa siya na tama iyong sagot ko, tapos ako yung pinakamababa sa long test. tapos Friday wala talaga siyang consultation, pero sabi niya nang dumating ako "Ikaw lang ah" tapos yung tingin niya talaga sakin "Kawawa naman itong batang to. Wala na tong pag-asa. Tulungan ko na nga" yung ganoong klaseng tingin.


hindi ko to sinasabi in a bad way, pero oo nga. ang hopeless ko na. wala ng pag-asa. hay.


sana na lang hindi ako makatulog.


sabi nga ni vane, sleep is for the weak. at sa tingin ko malakas ako. malakas ako matulog.(homay! shomay! ang labo koooo!)


gisiiiing naaaa!!!!


& PROFILE

LUCYstar
stardust came to life
student.dreamer.shopper.discoverer.reader

& LOVES

.life with me. friends.

& SPEAK
tagboard area! maximum width of the tagboard should not exceed 160px. cbox is recommended. (:

& ARCHIVES

August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
July 2006
September 2006
October 2006
December 2006
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
July 2008


& RESOURCES

layout: +
fonts: +
brushes: + +
image: +